Pulisya nasisi sa kidnapping

Kakulangan ng mga nagrorondang pulis sa Ba­ silan ang sinisisi ni Ba­silan Bishop Martin Jumoad kaya malawa­kan ang pagdukot o kidnapping ng Abu Sayyaf dito.

Sa artikulong ipinos­te sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang kaku­langan ng pulis sa nasabing lalawigan ang siyang nag­bibgay ng la­kas ng loob sa mga bandido na kumidnap at pumatay ng mamama­yan.

“Kung pupunta kayo dito, makikita nyong kulang ang pulis kaya nagtatanong ang mga tao kung saan sila pu­punta kung may proble­ma at humihingi ng pro­teksiyon,” ani Jumoad.

 Ayon kay Jumoad, kung magiging mapag­matyag at dadagdagan ang bilang ng mga pulis na nakatalaga sa Basi­lan, masasawata ng mga awtoridad ang na­kaaalarmang pagdukot. (Doris Franche)

Show comments