Presyo ng bilihin, stable pa rin

Stable pa rin ang presyo ng produktong karne ng baboy, manok, isda gayundin ang bigas at iba pang pa­ ngu­nahing pagkain sa bansa.

Ayon kay Agriculture Sec. Arthur Yap, patuloy ang ginagawang paraan ng ahensya upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa abot kayang halaga.

Sa latest monitoring ng DA, ang kada kilo ng regular milled rice ay bumaba ng P30 mula P37 habang ang refined sugar ay P36 mula sa P38.

Nananatili namang P120 ang kilo ng manok sa nakalipas na 3 buwan at ang liempo at kasim ay bumaba ng P150 mula P160 kada kilo.

Sinabi din ni Yap na ang United Broiler Raisers Association (UBRA) ay nangako sa National Price Coordinating Council ng sapat na suplay ng manok na di tataas ang presyo ngayong Kapaskuhan.

Ang galunggong ay nananatiling P100 kada kilo at P80 ang halaga kada kilo ng tilapia. (Angie dela Cruz)

Show comments