Importasyon ng ibon mula Germany ipinagbawal

Pansamantalang ipinatigil kahapon ng Department of Agriculture ang importasyon ng mga domestic at ‘wild birds’ gayundin ang mga poultry products galing sa Germany bunga ng avian influenza na kuma­kalat sa mga bansa sa Europa.

Ito’y matapos na kumpirmahin ng mga animal health authorities ang pagkalat ng avian influenza, isang uri ng bird flu virus.

Nauna nang ipi­nagbawal ng DA ang pagpasok ng anu­ mang uri ng poultry products at maging ang mga ‘wild birds’ mula sa US State of Arkansas at sa mga bansa sa Haiti at ma­ging sa United King­dom na natukoy na apektado ng avian influenza. (Joy Cantos)

Show comments