JDV lumayas, impeachment vs GMA hindi pinirmahan

Nagtungo sa Esta­dos Unidos si Panga­sinan Congressman Jose de Venecia nang hindi man lang muna pinirmahan ang impeachment complaint na iniharap ng kanyang anak na ne­ gos­yanteng si Joey III la­ban kay Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo.

Ito ang nabatid kaha­pon kay House minority leader at San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nag­sabing maaaring pinag-iisipan pa ni de Venecia ang hakbang nito baga­man nauna nitong ipina­hayag na ieendorso nito ang impeachment complaint.

 “Tama naman na hindi pa siya ikono­konsiderang endorser hanggang hindi pa siya pumipirma. Akala namin pumirma na, hindi pa pala, baka pinag-iisipan pa,” sabi ni Zamora.

Umalis umano ng ban­sa noong Sabado ng gabi si de Venecia para dumalo sa dalawang linggong speaking engagement sa US. (Delon Porcalla)

Show comments