Davaoeño nakakuha sa P131-M Lotto jackpot

Isang residente mula sa Davao ang naka­kuha ng P131 milyong jackpot sa 6/49 superlotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakalawa ng gabi.

Hanggang sa isinusulat ito, wala pang abiso sa PCSO ang nanalo para sa pagkuha ng kanyang premyo.

Ang Davaoeño ang nakataya sa numerong 42-12-46-26-49-19 na siyang lumabas sa jackpot draw.

Ayon sa tagapagsalita ng PCSO na si Larry Cedro, tumaya ang winner sa Romeo Angcug Lotto outlet sa Laurel St. sa Davao City. (Perseus Echeminada at Angie dela Cruz)

Show comments