Pondo para sa edukasyon, kalusugan kulang

Iginiit kahapon ng Se­nado ma mananatiling ma­layo ang agwat ng mga mag-aaral sa public school mula sa pribadong paara­lan hangga’t hindi guma­gawa ng paraan ang gob­yerno na dagdagan ang inilalaang pondo para sa edukasyon at kalu­sugan.

Sinabi ni Sen. Richard Gor­don, masyadong maliit ang pondo ng gobyerno para sa bawat mag-aaral sa public schools na uma­abot lamang ng P6,354 na ang inaasahang magiging re­sulta ay mahinang performance ng mag-aaral at ma­hinang kalidad ng edu­kasyon.

Ayon kay Gordon, ang inilalaaang budget na P6,354 sa kada estud­yante ng gobyerno ay na­pakaliit kum­para sa ban­sang Thailand na P47,700, Malaysia na P56,846, US na P123,200 at Japan na P293,440.

Ipinaliwanag pa ni Gordon, umaabot lamang sa 2.53 percent ng GDP at 12% ang inilaang national outlay sa edukasyon kaya kulang ang mga pasi­lidad lalo na sa mga pam­publi­kong paaralan sa bansa.

Naniniwala ang mam­­ba­batas na malulutas la­mang ang problemang ito sa sandaling maisabatas ang Senate bill 2402 o ang Health and Education Acceleration Program (HEAP) na nag-aatas sa mga telecommunication companies (Telcos) na maglaan ng kanilang kita sa text para madagdagan ang pondo ng gobyerno para sa edu­kasyon at kalusu­ gan.

Sa ilalim ng SB 2402, o ang “text-for-change” bill, inaatasan nito ang mga Telcos na magbigay ng ba­hagi ng kanilang kinita para sa alokasyon ng edukas­yon at kalu­ sugan.

Ito ay bi­lang tulong ng mga TelCos sa gobyerno para madag­dagan ang pantustos sa mga na­turang kakulangan. (Rudy Andal) 

Show comments