OSG employees may umento

Siniguro ni Pangulong Arroyo na tataas na ang suweldo ng mga kawani ng Office of the Solicitor-General (OSG) matapos ma­ging epektibo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas na nagpalakas sa nasabing ahensiya.

Ayon sa Pangulo sa ika-107 anibersaryo ng OSG kamakalawa ng gabi, karapat-dapat la­mang ki­lalanin ang kon­tribusyon ng OSG sa adhikain ng gob­yerno na maging First World Country ang Pilipi­nas.

Nakapaloob sa nasa­bing batas na iniakda ni dating Rep. Eduardo Na­chura na ngayon ay ma­histrado ng Korte Su­prema, ang pagtataas ng sahod ng Sol-Gen mula sa salary grade 30 sa salary grade 31, ang Assistant Sol-Gen mula sa salary grade 29 sa salary grade 30; Senior State Solicitor mula sa sa­lary grade 28 tungo sa salary grade 29 hanggang sa Associate Solicitor 1 na ang sahod ay salary grade 18 ay ginawang salary grade 24 na.

Sinabi ni Mrs. Arroyo, maraming mahahalagang kaso o batas na napag­tagumpayan ng OSG kaya binigyan ito ng kapang­yarihan ng gobyerno para magpatupad ng ilang pro­grama. (Rudy Andal)

Show comments