Chefs in-demand ngayon sa abroad

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mataas ngayon ang demand ng mga Filipino chefs sa ibang bansa kabilang ang United Kingdom, United Arab Emirates, Kingdom of Saudi Arabia, Singapore at Malaysia.

Ayon sa DOLE, bilib ang mga dayuhan at ibang bansa sa galing sa pagluluto ng mga Pinoy, sa pagsasalita ng Ingles at sipag.

Sinabi ng DOLE na ang mga Filipino Chefs kasi ay hindi lamang sa mga restaurants at hotels matatagpuan ngayon kundi maging sa mga food courts ng mga ospital at sa mga cruise liners. Dahil din sa tumataas na demand ng mga Filipino chefs ay marami nang Pinoy ang nagnanais na mag-enroll sa culinary schools sa kabila ng medyo mataas na tuition.

Noong taong 2000, isang culinary school lamang ang nago-operate dito sa Pilipinas, pero ngayon ay nasa 400 na ito dahil sa mataas na demand para sa mga cooks at chefs. Sa datos ng DOLE, noong 2007 umabot na sa 8,400 Pinoy ang nagtatrabaho sa kusina sa iba’t-ibang panig ng mundo at two-thirds sa mga ito ay pawang mga chefs and cooks. (Doris Franche)

Show comments