Flood alert sa Bicol Region

Nagpalabas ng flood alert kahapon ang National Di­ saster Coordinating Council (NDCC) sa mara­ming mababang mga lugar sa Bicol Region na maaring idulot ng pag-apaw ng mga ilog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pablo.

Sinabi ni NDCC Spokes­man at Deputy Director Dr. Anthony Golez Jr., pinag-iingat nito ang mga residente na naninirahan sa mga bahaing lugar.

Kabilang dito ay ang Catanduanes na sumasa­ kop sa mga ilog ng Cabu­yan, Bato at Pajo; Date-Ba­sud at Labo River sa Cama­rines Norte; Bicol at Lago­noy River sa Cama­rines Sur; Tambang, Don­sol, Ogod at Puliao River sa Legazpi City; Cadacan, Banuang-Duan, Fabrica at Matnog Rivers sa Sorso­gon; Daraga, Lanang Asid, Guiom at Malbag Rivers sa lalawigan ng Masbate.

Nagbabala rin si Golez sa mga posibleng mala­wakang flashflood sa pag-apaw ng mga ilog sa mga mababang lungsod at mu­nisipalidad sa Bicol Region.

Tinukoy ni Golez ang Libon, Ligao City, Oas, Polangui, Bato, Baao, Bula, Nabua, Iriga City, Bombon, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Gainza, Maga­rao, Milaor, Minalabac, Naga City, Pamplona, San Fernando, Sipocot, at Lib­manan.

Samantala, umabot sa may 1,224 pasahero ang na-stranded sa Ormoc, Tagbilaran. Stranded din ang may 111 trak, 19 kot­se,16 pam­pasaherong bus at 47 mga sasakyang pan­dagat sa Cebu, Maasin, Tacloban, Cat­balogan, Ormoc at Tag­bilaran.

Kanse­lado at naantala naman ang biyahe ng ma­lalaking airlines para sa ka­nilang local at international flights. (Joy Cantos/Doris Franche/Ellen Fernando)

Show comments