Baron Geisler sesentensyahan

Ibababa na ng Department of Justice anumang araw mula ngayon ang resolusyon sa kasong acts of lasciviousness laban sa aktor na si Baron Geisler na isinampa ni Patrizcia Martinez, anak ng aktor na si William Martinez.

Ayon kay State Prosecutor Amanda Felipe, anu­mang araw ngayong linggo ay magpapalabas na ng desisyon ang kanyang tanggapan.  

Sinabi ni Felipe, na ang kanyang desisyon ay batay sa mga inihaing mga affidavit ng magka­bilang panig.

Nagbunsod sa reklamo ang umano’y pamba­bastos ni Geisler kay Martinez sa isang bar sa Makati City. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments