Dental specialists hanap ng US-based clinic sa Saudi

Nasa bansa ngayon ang isang American doctor upang personal na maghanap ng mga Pinoy dentists na nagnanais na magtrabaho sa isang pinakamalaking American-based dental clinic sa Saudi Arabia.

Personal na kikilatisin ni Dr. Robert Parks, di­rector ng General Arabian Medical and Allied Services, Ltd ang mga galing ng mga dentistang Pinoy na maaaring magtrabaho sa kanyang pinatatakbong GAMA Dental Clinic na nakabase sa Riyadh. Si Parks ay nagtapos sa Medical College of Virginia na may degree ng Doctor of Dental Surgery noong 1983, at ngayo’y pina­nga­ngasiwaan ang GAMA Dental Clinic simula noong 1990.

Sinabi ni Parks na katuwang nito sa pagpili ng mga Pinoy dental specialists ang JVR Placement Co. Inc, may tanggapan sa 3F Brofar Bldg., #7493 Bagtikan St. Makati City at 9 na taon nang tumutulong sa mga Filipino skilled workers na makapaghanap ng trabaho.

Sinabi ni Paulo Quisa, general manager ng JVR Placement na kabilang sa mga benepisyo ng qualified applicants ay ang mataas na sahod, 2-taong renewal ng kontrata, taunang bakasyon, round trip ticket, accomodations, medical benefits at pagkakaroon ng Iqama o visa.

Sa iba pang impormasyon maaaring tumawag sa JVR sa telepono 794-2231 o 0929-8305252 o mag-email sa jvrgama@gmail.com. 

Show comments