Isinusulong ngayon ni Senator Miriam Defensor Santiago ang isang reso lusyon na nag-aatas sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng feasibility study upang pag-aralan ang magagastos para sa pagpapatayo ng bagong building ng Senado upang hindi na umupa ng P8.3 milyon buwan-buwan sa Government Service Insurance Service (GSIS).
Sa Resolution 640 na inihain ni Santiago, sinabi nito na panahon na upang magkaroon ng sariling gusali ang Senado dahil napakalaki rin ang kanilang ginagastos sa buwanang upa kung saan pati parking lots ay binabayaran.
Kabuuang P7,787,774.78 ang upa kada buwan ng Senado para sa office building ng GSIS, bukod pa sa P499,125 upa naman sa parking lot.
Ang kabuuang monthly rentals na ibinaba yad ng Senado ay P8,286,899.78 o P99.44 milyon sa isang taon.
Dahil limitado lamang ang laki ng opisina ng bawat isang senador, umu upa pa rin sila ng satellite offices at nagbabayad ng karagdagang P474,285.29 buwan-buwan.
Mula 1926-1945, ang Philippine Legislature na binubuo ng House of Representatives at Senate of the Philippines ay magkasama ang tanggapan sa Old Congress Building na nasa P. Burgos St. Manila, kung saan ang Senado ang nasa upper floors at ang House ang nasa lower portion.
Pero dahil sa giyera, nasira ang nasabing legislative building at na-reconstruct noong 1950 kung saan ang fourth floor ang ginamit ng Senado sa kanilang plenary sessions.
Mayo 1997 nang lumipat ang Senado sa GSIS Complex sa Pasay City. (Malou Escudero)