Tahasang sinabi kahapon ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na lalo lamang biniyak ni Sen. Panfilo Lacson ang oposisyon dahil sa isyu nitong ‘budget insertion’ na pinalalabas niyang pinakiki nabangan ng ilang mambabatas.
Ayon kay Estrada, iisang tao lamang ang nagiging sanhi nang pagkakawatak-watak ng oposisyon na nahati din noong 2004 presidential elections matapos sabay na kumandidato si Lacson at ang namayapang actor na si Fernando Poe Jr.
Naniniwala si Estrada na hindi tamang gamiting isyu sa corruption ang P200 milyong budget insertion para sa proyekto ng C-5 dahil wala namang naipalabas na pondo ang gobyerno.
“How can you say there is corruption when the funds were not yet released. Wala namang nakinabang. Congressional insertions are already a practice,” sabi ni Estrada.
Hindi pa umano siya se nador ay naririnig na niya ang katagang budget insertion kung saan isinisingit ng mga mambabatas sa pambansang budget ang kanilang mga proyekto.
Nang tanungin kung hindi na magkakaroon ng “formidable lineup” sa 2010 ang oposisyon dahil sa panibangong pagka kawatak-watak nila, sinabi ni Estrada na magiging malakas pa rin ang kanilang mga kandidato.
Samantala, binoykot ng pitong se nador na kasapi sa minorya ang sesyon ng Senado kahapon.
Hindi sumipot sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Sens. Mar Roxas, Panfilo Lacson, Benigno “Noynoy” Aquino III, Rodolfo Biazon, Loren Legarda, Jamby Madrigal.
Karamihan sa mga umabsent kahapon at nagparating na nasa “official business” sila kaya hindi nakasipot sa sesyon.
Kahit na wala ang minority leader at absent ang buong minorya sa Senado, sinabi naman ni Sen. Miriam Defensor Santiago na maaari pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang gawain bilang mga senador dahil mayroon naman silang quorum.
Hindi aniya dapat maapektuhan ng pag-absent ng mga taga-minorya ang pagpasa nila ng mga mahahalagang panukalang batas. (Malou Escudero)