Itataas ng mga water concessionaires ng P0.31 cubic meters ang singil nila sa tubig simula ngayong Nobyembre dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Ayala Manila Water Co., Inc. at Consunji Maynilad Water Services, ang pagtaas ng halaga ng singil sa tubig ay base na rin sa panuntunan ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).
Gagawing P0.18 per cubic meter ang itataas sa singil sa tubig ng Manila Waters at Maynilad Waters mula sa kasalukuyang P0.13.per cubic meters o lumalabas na P0.31 per cubic meter na dagdag.
Sa mga gumagamit ng tubig na 30 cubic meters kada buwan, aabutin ng halagang P6.49 ang dagdag na gastusin dito. (Angie dela Cruz)