Appointment ni Chavit bayad utang

Kinondena ng Black and White Movement (BWM) ang ginawang pag­talaga ni Pangulong Arroyo kay ex-Ilocos Sur Gover­nor Luis “Chavit” Singson bilang bagong Deputy National Security Adviser.

Ayon sa tagapag­sa­lita ng nasabing grupo na si Leah Navarro, ang pagta­ta­laga ni PGMA kay Sing­son ay isa lamang uma­nong matibay na pa­la­tandaan ng pagbaba­yad ng utang na loob ng huli    sa kanyang mga “po­litical allies” o tumulong para lumawig ang kan­yang pa­nu­nungkulan.

Sinabi ni Navarro na lantaran na ang pagla­la-gay ni PGMA sa pwes­to   ng kanyang mga pinag- kautangan ng loob sa pu-l­itika kahit hindi uma­no    ka­rapat-dapat ang mga ito.

Kinuwestiyon din ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo ang appointment ni Singson dahil inaasahan umano nila na ang itatalagang mga opisyal ng National Security Council ay pa­wang may alam sa mili- tary matters dahil seguri­dad ng bansa ang kani-lang hawak.

Gayunman, umaasa si Bagaforo na malulu-   tas ang kaguluhan sa Min­danao dahil ito ang kanilang ipi­nagdarasal at hangad ng nakararami. (Rose Ta­ma­yo-Tesoro/Doris Franche)

Show comments