Ilalabas ngayon ng Catholic Bishops Confe rence of the Philippines (CBCP) ang “educational DVD” na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa hindi magagandang bagay na maidudulot ng controversial na reproductive health bill.
Ayon kay Father Joel Jason, director ng Manila Archdiocese Ministry for Family and Life, layunin ng DVD na mabigyan ng impormasyon ang publiko kaugnay sa panganib at mga “immorality of measures” ng panukalang Reproductive Health and Population Development Bill.
Ipapapanood ang DVD sa mga parokya, eskwelahan, mission stations, church organizations at sa mga grupong prolife sa bansa.
Idinagdag pa ni Jason na tuturuan nila ang publi-ko na huwag sumunod sa mga anti-life laws dahil labag ito sa moralidad. (Doris Franche)