GMA nakiramay kay Tiya Dely

Nagtungo kahapon si Pangulong Arroyo sa burol ng yumaong be­teranang broadcaster na si Tiya Dely Magpayo sa Loyola chapel sa Marikina City.

Dumalaw ang Pangu­lo para makiramay sa mga kaanak ni Tiya Dely, Fidela Mendoza-Mag­payo sa tunay na buhay at tinaguriang First Lady of Philippine Radio. Na­batid na kaibigan ni Tiya Dely ang mga magulang ni Pangulong Arroyo na sina dating First Lady Eva Macapagal at dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Na-stroke si Tiya Dely nitong Sabado habang nagpoprograma sa DZRH at namatay makaraan ang dalawang araw. Ki­lala siyang nagbibigay ng payo sa kanyang mga listeners. Isang panukala ang nakabinbin para gawing isang national artist si Tiya Dely.

Naulila niya ang kanyang anak na si Delia Reyes Belonio, ang ta­nging nabubuhay sa kanyang 3 anak. (Rudy Andal)

Show comments