Umepekto ang panawagan ng mga transport group na i-boykot ang tatlong dambuhalang kom panya ng langis na hindi kaagad nagpatupad ng rollback makaraang tumaas ang benta ng mga independent players na nagtapyas ng halaga ng kanilang produkto.
Ayon kay Chito Medina Cue, Jr., General Manager ng Unioil Philippines Inc., nadoble ang benta ng lahat ng kanilang gas stations sa Metro Manila nang ipanawagan ng transport group ang pag-boykot sa big-3 oil companies matapos nilang tap yasan ng P1 kada litro noong Martes ang halaga ng kanilang produkto.
Sinabi ni Cue na posibleng magtapyas pa sila ng mula P1 hanggang P2 kada litro sa gasoline at diesel sa susunod na linggo kapag patuloy ang pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa P6.50 ang ibi naba ng presyo ng kanilang gasoline habang P4.50 naman ang krudo mula ng magpatupad sila ng rollback noong Agosto.
Sa kabila nito, nagpahayag din ng pangamba ang Unioil sa magiging resulta ng pagpupulong ng mga oil producing countries sa Setyembre 9, kung saan pag-uusapan ang pagdaragdag o pagbabawas ng kanilang produkto, batay sa pangangailangan ng malalaking bansa. (Lordeth Bonilla)