Isinumite na sa Mataas na Hukuman nang binuo nitong three-man panel ang kanilang findings at reko mendasyon hinggil sa isyu ng suhulan sa mga mahistrado ng Court of Appeals (CA),
Tumanggi naman ang Korte Suprema na ibunyag ang nilalaman ng ulat at sinabing pananatilihin muna nila itong confidential hanggang sa matalakay na nila ito sa isang en banc session na nakatakda sa Martes, Setyembre 9.
Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, depende umano sa laki ng kasalanan ng mga mahistrado ng CA ang magiging kaparusahan ng mga ito.
Kung makikita umano sa findings ng SC na malaki ang violation at may improprieties na nangyari, maaring ang parusa dito ay mula sa simpleng babala o maaring pagalitan ang Mahistrado o maari ding pagsibak sa serbisyo.
Matatandaang kabilang sa mga mahistrado na sangkot sa naturang suhulan sa Appellate Court at ipinatawag ng panel ay sina Associate Justices Vicente Roxas, Jose Sabio, Bienvenido Reyes, Apolinario Bruselas, Myrna Dimaranan-Vidal, at Presiding Justice Conrado Vasquez Jr.
Nag-ugat ang kaso sa sigalot sa pagitan ng Meralco at GSIS.
Nadawit din naman ang pangalan ni PCGG chairman Camilo Sabio at Atty. Jess Santos, abogado ni Unang Ginoo Mike Arroyo, matapos na tangkaing makialam sa magiging desisyon ng hukuman. (Gemma Amargo-Garcia)