2 ex-PCSO official pinaaaresto

Inutos kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ang pagda­kip kina dating Philippine Charity Sweepstakes Office Director Linggoy Alcuaz Jr at dating PCSO Corporate Secretary Cirilo Avila kaugnay ng ka­song libelo na isi­nam­pa laban sa kanila ni da­ting PCSO Chairperson Ma. Livia “Honey­girl” de Leon.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Evangeline Cas­tillo-Marigomen ng branch 101, inireko­menda ang piyansang tig-P10,000 para sa pansamantalang kala­yaan nina Alcuaz at Avila.

Sa reklamo ni de Leon, iginiit nitong gus­to lamang siyang si­raan at ipahiya ng da­lawa nang akusahan siyang ti­waling opisyal ng PCSO. (Angie dela Cruz)

Show comments