Rape vs magtatanan ng menor-de-edad na gf

Mahaharap sa ka-song rape at child abuse ang sinumang lalaki na magtatanan ng mga menor-de-edad nilang nobya.

Ito ang babala kaha­pon ni PNP Women and Children Protection Cen­ter Director Chief Supt. Yolanda Tanigue dahil sa dumaraming insi­den­te ng mga lalaking nag­tatanan ng mga menor- de-edad nilang mga ka­sintahan.

Ipinaliwanag ni Tani­gue na kahit na ginusto   pa ng babaeng menor-de-edad na sumama sa kan­yang bf na nasa ta­mang gulang ay maaari pa ring bawiin ng mga magulang ang babae at sampahan ng kasong rape at child abuse ang lalaki.

Ayon sa Aleng Pulis, bagaman magsing-irog ay hindi ito kinikilala ng batas dahil ito ay isang malaking paglabag sa Konstitusyon ng bansa.

Samantalang maaari rin aniyang dumulog sa pulisya ang mga magu­lang ng mga menor-    de-edad na kababaihan upang bawiin ang kani­lang mga anak.

Inihayag rin ni Tani­gue na mananagot sa batas ang mga bar, night clubs at iba pang enter­tainment establishments na masa­sangkot sa pang-aabuso sa mga kaba­baihan o ka­pag napatu­nayang nag-ooperate ito na may mga menor-de- edad.

Maging ang mga cus­tomer na napatunayang pumatol sa mga minor mula sa mga establisi­miyentong ito ay mana­nagot rin.

Gayundin, binalaan din ni Aleng Pulis ang mga Mamang Pulis na mahi­hilig tumikim sa mga ba­baeng mababa­ba ang lipad partikular na ang mga menor-de-edad ay pwede ring ma­kulong ka­pag sapilitan itong binitbit at sinipi­ngan.

Idinagdag pa ni Ta- ni­gue na pumasok sa ha­napbuhay ang natu­rang mga babae upang kumita at hindi para abusuhin. Hindi umano titigil ang 3,000 Aleng Pulis sa ka­nilang kam­panya upang maipag­laban lamang ang kara­patan ng mga inaa­bu­song kababaihan. (Joy Cantos)

Show comments