Mahistrado ibinuking na may kaanak sa GSIS

Inakusahan ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Vicente Roxas si Presiding Justice Con­rado Vazquez na may interes sa kaso ng Government Service Insurance System at Meralco matapos na ibu­king nitong may mga ka­mag-anak itong nagta­trabaho sa GSIS.

Tinukoy ni Roxas ang mga kamag-anak ni Vaz­quez na nagta-trabaho sa GSIS na sina Ruth Vaz­quez, nakatalaga sa Department Manager for Corporate Secretary Office na sumasahod ng P80,000; Jinky Vazquez, dentista ng GSIS na may sahod na P80,000; Luisa Hernandez, VP President for treasurer’s office na may sweldong P127,000 at Leny de Jesus, GSIS consultant na may sahod na P200,000.

Pinagalitan naman ni retired Justice Romeo Callejo miyembro ng pa­nel si Roxas matapos nitong aminin na pina­basa niya ang sinulat niyang desis­yon kay Justice Di­ma­ranan-Vidal.

Kinuwestiyon ni Calle­jo kung bakit nito pinaba­basa ang desisyon ga­yung ito ay “highly confidential” at hindi rin umano ito miyembro ng kanyang dibisyon.

Depensa naman ni Roxas, na pinabasa la­man niya ito dahil na rin sa kahilingan  ni  Vidal  na ma­riin naman nitong iti­nanggi ang akusasyon ng una. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments