Hindi na kailangan pang gumastos ng mga residente ng Valenzuela City para sa pagpaparehistro ng araw ng kapanganakan at kamatayan ng kanilang mga kaanak.
Ayon kay Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano, sa pa mamagitan ng pagpasa ng ilang probisyon sa ordinance no. 15 series of 2005 na unang naaprubahan ng Sangguniang Panglunsod ay magiging libre na ang mga ito.
Bago ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng naturang ordinansa ay kinakailangang magba-yad ng mga residente ng halagang P50 sa kanilang mga barangay para lamang maipatala sa local civil registrar ang araw ng kapanganakan at kamatayan ng kanilang mga kaanak.
Dahil marami sa mga residente ang nahihirapang makapagbayad ng nabanggit na halaga ay ipinasya ni Feliciano na baguhin ang ilang probisyon sa ordinansa.
Sinabi pa ni Feliciano, dahil sa pagpasa sa ilang probisyon ay tanging ang babayaran na lamang ng mga residente ng lung-sod ay ang pagkuha ng ba rangay clearance ka-pag magpapakasal ang mga ito. (Lordeth Bonilla)