Rebulto ni Ninoy itatayo ngayon ni GMA sa NAIA 3

Magtatayo ngayon ng bronze na rebulto ni da­ ting Sen. Benigno Aquino Jr.  sa arrival area ng Ni­noy Aqui­no International Air­port-Terminal 3 si Pa­ngu­long Gloria Arroyo bilang bahagi ng nation­wide na pagdiri­wang sa ika-25 aniber­sar­yo ng kabayanihan ni Ninoy.

Si Ninoy ay napas­lang sa Tarmac ng old Manila International Air­port noong bumalik siya sa bansa galing sa exile sa US noong Agosto 21, 1983.

Ang pagkamatay ni Ninoy ang naging tuntu­ngan upang patalsikin ang Marcos regime sa pama­ma-gitan ng People Power revolution noong 1986 at iniluklok si Mrs. Cory Aqui­no bilang Pa­ngu­lo ng ban-sa. (Rudy Andal)

Show comments