Sakit kumakalat na sa evacuation centers Cotabato

Nagsimula nang ku­malat ang mga nakaha­ha­wang sakit sa mga evacuation center sa Pikit at Libungan, North Cota­bato, ayon sa ulat na naka­rating kahapon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Sa report na nakara­ting sa tanggapan ni NDCC Executive Director Glenn Rabonza, kabilang sa nasabing mga sakit ay lagnat na may kasamang ubo at sipon, Loose Bo­wel Movement (LBM), acute bronchitis, viral influenza, Urinary track Infection at infectious diarrhea.

Inihayag ni Rabonza na nanatili pa rin sa mga evacuation centers ang may 6,467 pamilya o ka­buuang 32,335 katao na takot pa ring magbalik sa kanilang mga tahanan.

Umaabot sa 24,623 pamilya o kabuuang 164,973 katao na kinup­kop sa 66 evacuation centers mula sa may 64 barangay at siyam na bayan ang nagsilikas sa takot na maipit sa bak­bakan ng tropa ng militar at ng MILF rebels.

Sa kasalukuyan, ayon kay Rabonza ay kumikilos na ang mga health officials sa lugar upang ma­iwasan ang epidemya ng nasa­ bing mga karamda­man.

Samantala, lumobo na sa siyam katao ang death toll sa bakbakan ng mga sundalo at MILF.

Nakapagtala rin ang NDCC ng 22 kataong sugatan at kabuuang 113 bahay na sinunog ng grupo ni MILF 105th Base Commander Ameril Um­brah Kato.

Kabilang sa mga na­sawi sina Army Pfc. Ba­cani; Cpl. Angelo Abeto; mga sibilyang sina Ro­quita Calesara, 62 , Lucio Pano, 83; Isidra Pano, 81; Dulcito Pano, 32; Tinoy Balisera, 78; Tapkia Said mula sa MILF at isang di nito naki­lalang kasama­han na na­rekober ang bangkay ma­tapos ang bakbakan.

Ang pamilya Pano ay ginawang human shield ng MILF rebels na di pa na­kun­­tento ay binistay pa ng bala ang mag-anak. (Joy Cantos)

Show comments