MMDA binalaan ng CHR sa ‘Oplan Agaw Manibela’

Binalaan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Metro Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa mga ipinatutupad nitong “Op­ lan Agaw Manibela” para ma­lutas ang matinding pag­sisikip ng trapiko sa Kalak­hang Maynila.

Tinukoy ni CHR Chairperson Leila de Lima ang panibagong gimik ng mga tauhan ng MMDA na aga­win sa mga tsuper ng pam­pasaherong sasak­yan ang manibela kapag lumagpas ang mga ito sa 30 segun­dong pagbaba at pagpick-up ng pasa­hero.

Ayon kay de Lima, ma­ra­pat ding timbangin muna at ikonsidera ng MMDA ang idudulot na epekto ng ka­nilang mga programa dahil baka nakasasagasa na ito sa karapatang pantao ng publiko.

Sa kaso aniya ng pro­yek­tong ito, hindi sapat ang 30 segundo para makasa­kay o makababa ang mga pasahero, isang malinaw na pagkakait sa kanilang karapatan para sa ligtas na public transport at social service, at ang karapatan laban sa non discrimination. (Angie dela Cruz)

Show comments