Tinalakay na ng Senate committees on national defense and security at finance ang panukalang batas na naglalayong itaas ng 25 porsiyento ang combat pay ng mga sundalo na nagkaroon ng pinakahuling increase 23 taon na ang nakakaraan.
Nagtataka si Sen. Rodolfo Biazon kung bakit nananatili sa P240 ang combat pay ng mga sundalo gayong ang sea duty pay ng Navy personnel ay 25% na ng kani-lang base pay at ang flying pay ng Air Force personnel ay 50% ng kanilang base pay.
Ayon kay Biazon, ang mga sundalo ang kalimitang napapalaban sa mga bandidong kalaban ng gobyerno, pero napakaliit ng combat pay na kanilang natatanggap.
Ipinaalala ni Biazon na noong unang idaos ang public hearing para sa panukalang pagtataas ng combat pay noong nakaraang taon, wala kahit isang opisyal mula sa Department of National Defense ang dumating sa halip ay isang sulat ang ipinadala sa komite upang hilingin ang pagpapaliban ng hearing dahil kukunsultahin pa umano ang “Commander in Chief”.
Anim na araw mata-pos ang first hearing, ipinalabas ng Pangulo ang Executive Order No. 658 na nag-uutos ng “combat incentive pay” na P150.00 per day, maliban pa sa P240 per month na combat pay duty.
Naniniwala sina Biazon at ang mga senador na nagsusulong ng panukala na hindi pa rin sapat ang tinatanggap na combat pay ng mga sundalo kaya dapat makapagpa-sa ng batas upang tuma-as ito ng 25 porsiyento. (Malou Escudero)