Nasabat ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group ang dalawang container van na naglalaman ng imported na honey mula sa China matapos tangkang ipuslit ito sa Clark Economic Zone sa Pampanga.
Ang mga van na naglalaman ng imported honey ay naka-consign sa Netama Ltd. Inc. na isang registered enterprise sa loob ng Clark Economic Zone.
Lumitaw naman sa pag-aaral ng mga laboratory experts na pure honey ang 128 drums na laman ng nasabing kargamento at walang kaukulang permiso mula sa Bureau of Food and Drugs. (Rudy Andal)