Klase sa 11 lugar sa Luzon sinuspinde

Dahil sa bagyong  Julian, ipinasuspinde kahapon ng National Disaster Coordinating Council ang klase sa elementary at high school levels sa 11 lugar sa Northern  at Central Luzon.

Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration ang public storm signal number 1 sa maraming lugar sa Hilagang Luzon.

Sinabi ni NDCC De­puty Director at Spokesman Dr. Anthony Golez Jr. na kabilang sa mga lugar na ipinasuspinde nila ang klase ang Ba­tanes, Cagayan, Apa­yao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Panga­sinan, Zambales, Tar­lac, Pampanga at Bula­can. (Joy Cantos)

Show comments