Nagbitiw kahapon bilang task force head ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 si dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor.
Ayon kay Press Secretary Jesus Dureza, nagbitiw si Defensor dahil nagawa na naman nito ang kanyang trabaho ngayong operational na ang nasabing terminal.
Tinanggap na ni Pangulong Arroyo ang resignation ni Defensor.
Si Defensor na isang senatorial candidate ng Team Unity noong 2007 elections ay isa sa mga nabigyan ng posisyon ni Pangulong Arroyo matapos ang 1-year ban sa mga natalong kandidato upang mabigyan ng puwesto sa gobyerno. (Rudy Andal)