Pinoy invention inendorso ng LTO

Pinangu­nahan ni Land Transpor­tation Office (LTO) Chief Alberto Suansing ang paggamit ng mga maka­bagong imbensiyon ng mga Pilipino para makati­pid sa gastusin sa mga produktong petrolyo tulad ng gas, diesel at LPG.

Ang mga bagong im­ben­syon ay kinabibila­ngan ng aeronix, ang uri ng makina ng sasakyan na mababawasan ng mga 3 percent ang fuel con­sum­ption ng mga sasak­yan gayundin ang electric air reactor, isang electro magnetic fuel reaction na may high grade fuel na tutulong sa mabilis na pagsunog ng gas.

Sampung aircon­di­tioned jeep ang nilagyan ni Suansing ng naturang mga imbensiyon upang maipamalas ang kapasi­dad nito.

Sinabi naman ni Or-lan­do Marquez, vice pre­sident ng Philippine In­ventors Society, na ang naturang mga imbensiyon ay dumaan sa complete evaluation technology verification (cetv) ng DTI, DOST, DOE at DOTC bi­lang bahagi ng suporta sa pamahalaan sa pagtitipid sa paggamit ng petrolyo. (Angie dela Cruz)

Show comments