Nagsampa kahapon ng kasong sibil laban sa Sulpicio Lines ang mga pamilya ng mga biktima ng M/V Princess of the Stars sa Manila Regional Trial Court.
Ayon kay Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) humihingi sila ng P10 milyong danyos sa unang civil complainat na kanilang iniharap.
Aniya, mula ngayon ay sunud-sunod na ang kanilang gagawing paghaharap ng kaso kung saan positibo umano ang kanilang pananaw na makukuha nila ang hustisya para sa lahat ng biktima.
Matatandaan na umaabot sa 800 pasahero ang sakay ng MV Princess of the Stars nang tumaob ito sa Sibuyan Island sa San Fernando, Romblon sa kasagsagan ng bagyong Frank.
Idinagdag pa ni Acosta na ang mga isasampang kaso ay bunga na rin ng breach of contract at kapabayaan. (Doris Franche)