Sa gitna nang patuloy na pagtaas ng populasyon ng bansa at sa pagtutol ng Simbahang Katoliko sa reproductive health, nanindigan kahapon si Sen. Panfilo Lacson na isusulong pa rin niya ang panukalang batas na magkaroon ng “two child policy” sa bansa o limitahan lamang sa dalawa ang anak ng bawat pamilya.
Nakapaloob din sa panukala ni Lacson ang pagbibigay ng insentibo sa mga pamilya na susunod sa two-child po licy bilang tulong sa pagkontrol sa populasyon.
Sinabi ni Lacson na hindi magbabago ang kanyang paninindigan na dapat limitahan ang panganganak sa Pilipinas upang mabawasan ang kahirapan.
Nakapaloob sa ilalim ng Senate Bill No. 43 o “An Act Creating a Reproductive Health and Population Management Council” na dapat magkaroon na ng 2-child policy sa bansa.
Bibigyan ng scholarship sa kolehiyo o libreng pag-aaral ng mga anak ng pamil yang makasusunod sa panukala sakaling maging isang ganap itong batas.
“In order to attain the desired population growth rate, the State shall encourage two (2) children as the ideal family size. Children from these families shall have preference in the grant of scholarships at the tertiary level,” anang proposal ni Lacson.
Pero nilinaw ni Lac son na bagaman at isinusulong niya ang two-child policy, kontra siya sa anumang uri ng abortion.
Naniniwala si Lacson na kailangang umaksyon ang Kongreso para maibsan ang problemang kinakaharap ng bansa katulad nang kakulangan sa pagkain dahil sa lumulobong populasyon.