Ipinangako kahapon ni PASG chief Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. sa unang anibersaryo ng kanilang opisina na magiging ‘tinik” ng mga smugglers ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG).
Sinabi ni Usec. Villar, hanggang mayroong smugglers na nanloloko sa gobyerno ay mananatiling “tinik” sila ng mga ito.
Nagpasalamat naman si Villar sa kanyang mga tauhan dahil sa pagiging tapat ng mga ito sa kanilang tungkulin at hindi nagpapasilaw sa “kinang ng salapi” partikular sa nahuhuli nilang smugglers na nais “suhulan” ang kanyang mga tauhan.
“Mananatili tayong tinik sa lalamunan ng mga smugglers hanggang naririyan sila at gumagawa ng hindi tama,” wika pa ng PASG chief.
Ipinagmalaki din ni Villar ang naging accomplisment ng PASG sa loob lamang ng isang taong pananatili nito makaraang buuin ni Pangulong Gloria Arroyo upang habulin ang mga smugglers na nagpapahirap sa bayan. (Rudy Andal)