Magkatulong ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency at Dangerous Drugs Board sa pagbabantay sa mga sindikato ng iligal na droga matapos ang ulat na sinasanay na ng mga ito ang mga kabataang may edad 15 anyos pababa sa pagtutulak ng iligal na droga sa mga kalsada.
Pinaigting ngayon ng PDEA ang kanilang “intelligence network” ukol sa naturang ulat.
Sinabi ni DDB Chairman Tito Sotto na nagiging balakid ang ilang probisyon sa batas na nagbabawal na arestuhin at ipailalim sa interogasyon ang mga bata na nasasangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot. (Danilo Garcia)