Ginisa kahapon ng mga kongresista ang Sulpicio Lines sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay sa paglubog ng MV Princess of the Stars.
Sinumbatan ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang Sulpicic dahil ilang ulit na itong nasangkot sa trahedya sa karagatan pero tila hindi pa rin ito nadadala.
Kinuwestiyon din ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang Sulpicio kung bakit nakataas na ang storm signal sa daraanan nito ay tumuloy pa rin ito at sinagasa ang bagyo.
Pero ibinato naman ng Sulpicio ang respon sibilidad sa kapitan ng barko.
Gayunman, hindi tinanggap ng mga kongresista ang katwirang ito ng Sulpicio dahil may kapangyarihan umano itong iutos sa kapitan na huwag nang ituloy ang paglalayag. (Butch Quejada)