Iron-fortified rice sinimulang ibenta

Sinimulan na kahapon ng National Food Authority ang pagtitinda ng iron-fortified rice sa presyong P18.25 kada kilo sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay NFA Central district manager Marciano Alvarez, ang bigas na ito ay pwedeng bilhin ng sinumang indibidwal, mayroon mang hawak na family access cards o wala nito.

Mabibili ang iron fortified rice sa mga NFA outlets sa kahabaan ng UN Avenue sa Maynila at Visayas Avenue sa commonwealth Market sa Quezon City. (Angie dela Cruz)

Show comments