Sotto uupo sa drug board

Pormal na uupo na bilang Acting Chairman ng Dangerous Drugs Board si dating Senador Tito Sotto matapos ang isang taon na “mora­torium” sa pagbibigay ng appointment ni Pangu­long Arroyo sa mga puwesto sa pama­halaan.

Papalitan ni Sotto si outgoing Chairman An­selmo Avenido Jr. sa pormal na “turn-over ceremony” ngayong uma­ga sa DDB Bldg sa NIA Road, Pinyahan, Quezon City.

Ayon naman sa mga opisyales ng DDB, ma­ituturing na angkop kay Sot­to ang naturang pu­westo dahil sa “track re­cord” nito sa Senado kung saan ito ang na­ging pangunahing may-akda ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 na siya ring da­hi­lan ng pagkakalikha ng  Philip­pine Drug Enfor­cement Agency. (Rudy Andal)

Show comments