Bise  ng Sulpicio tinangkang saksakin

Muntik nang saksakin ng misis ng isa sa mga bik­ tima ng trahedya sa pag­lubog ng M/V Princess of the Stars ang Vice President ng Sulpicio Lines sa Cebu City kama­kalawa.

Batay sa report, hindi napigilan ni Alith Chavez ang kaniyang kinikimkim na galit nang makita niya si Mr. Ryan Go, Vice Pre­sident ng Sulpicio Lines.

Ang lumubog na M/V Princess of the Stars na kinalululanan ng 862 pa­sahero at tripulante noong Hunyo 21 sa karagatan ng Sibu­yan Islands, Rom­blon sa kasagsagan ng bagyong Frank ay pag-aari ng Sulpicio Lines.

Nagalit umano ang gi­nang dahilan sa reklamo nitong pagbubulagbu­lagan at pagbibingi-bingi­han ng Sulpicio Lines sa sentiyemento ng pamilya ng mga biktima.

Sa salaysay ni Cha­vez, galing pa siya sa Agusan del Norte at hindi niya napigilan ang kan­yang galit nang personal siyang nakiusap at humi­ngi nga tulong kay Go sa pagtungo nito sa Cebu Sports Complex kaugnay ng kanyang nawawalang mister.

Gayunman ay tila hindi pinakinggan ni Go ang sentimyento ng nag­dadalamhating misis.

Naagapan naman ng mga guwardiya ang gi­nang matapos itong mag­labas ng kutsilyo at ak­mang sasaksakin si Go.  (Joy Cantos)

Show comments