Magkakaroon na ng sariling tahanan ang may 100,000 mga lehitimong drivers ng mga pampasaherong jeep matapos na magpahayag ang isang non-governmental organization (NGO) ng kahandaang bigyan ang mga ito ng sariling ba hay at lupa sa buong bansa.
Ang itatayong bahay ay ipagkakaloob ng Gawad Kalinga Foundation na kabilang sa pinakamalaking transport groups sa bansa na 1 UTAK.
Sinabi ni Tony Meloto, chairman ng Gawad Kalinga, na ang itatayong Drivers Village Cooperative Project ay magsisilbing tulong sa mga mahihirap na drivers sa bansa upang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng sariling matitirahan.
Sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Gawad Kalingan at ng 1 UTAK sa pangunguna ni Atty. Vigor Mendoza, 300 drivers ang inisyal na mapagkakalooban ng sariling bahay na itatayo sa Pinugay, Antipolo, Rizal.
Sinabi ni Mendoza na target ng nasabing proyekto na makapagpatayo ng may 100,000 mga bahay para sa sektor ng transportasyon sa loob ng dalawang taon.
Prayoridad ng nasabing benepisyo ang mga driver na ang ruta ay malapit din sa lugar ng pabahay upang hindi na maging mahirap sa mga ito ang lugar na uuwian.