Judge na nagmaltrato ng maid nakalusot

Ligtas na sa paru­sang 12 taon na pag­kakabilango ang isang babaeng huwes na ina­kusahan ng pagmama­lupit sa dalawang  ka­tu­long na menor de edad batay sa isang kautu­sang ipinalabas ng Court of Appeals.

Sa desisyon ng CA Special 16th Division, binaligtad ang ipinataw na parusa ng Quezon City Regional Trial Court sa kontrobersiyal na lady judge na si Adora­cion Angeles ng Ca­loocan City RTC Branch 121.

Si Angeles ay unang inireklamo ng dalawa niyang dating mga ka­tulong ng pag­labag sa Special Protection of Children Against Child Abuse,  Exploitation  and Discrimination Act. Kinilala ang dalawa na sina  Proclyn Pacay, 13 at ng inaanak na si Nancy  Gaspar, 16.

Sa reklamo ni Pa­cay, nagdanas siya ng pag­mamalupit at pa­nanakit sa kamay ni Angeles noong  Enero 19, 1995 hanggang Marso 2, 1995.

Kabilang umano ang madalas na pa­nanam­pal, panununtok sa sikmura, pananad­yak sa ulo ng nasabing hu­kom sa tuwing siya ay may kaunting pag­kaka­mali bukod pa umano sa panghihiya sa kaniya sa harapan ng mga tao.

Sa pagpapawa­ lang-sala kay Angeles, nili­naw ng CA na bigo ang prosekusyon na pa­tu­nayan ang aku­sasyon laban sa hu­kom bukod sa kuwes­tiyunable ang ebiden­syang medical certificate.  (Ludy Bermudo)

Show comments