3 bagong miyembro ng Comelec itatalaga

Nakatakdang iha­yag ni Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo ang tatlong itatalagang commissioners ng Commission on Elections bago siya mag­tungo sa Estados Uni­dos sa susunod na linggo.

Kabilang sa isinu­mite ng search committee kay Pangulong Arroyo para punan ang tatlong bakanteng po­sisyon sa Comelec ay sina Chief State Prosecutor Jo­vencito Zuño, Atty. Ho­ward Calleja ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at Laguna Judge Leonard Leonida. (Rudy Andal)

Show comments