‘PandeRecom’

Inilahad kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang paglulunsad ng proyektong “PandeRecom” ng mga Parent Teacher Association (PTA) ng lungsod na magbebenta ng masustansya at murang pagkain sa mga estudyante sa darating na pasukan. 

Ayon kay Echiverri, layon ng proyekto na bigyang pagkakataon ang mga estudyante na makabili ng dalawang piraso ng “vitamin-fortified na pandesal” na may kasamang isang baso ng mainit na tsokolate sa halagang limang piso lang.

Sinabi ni Echiverri na dahil sa masarap at mababang presyo nito, hindi na magdadalwang-isip pa ang mga estudyante na ito ang piliin sa halip na mga hindi nakabu­ busog na junk foods.

Idinagdag pa ni Echiverri na aprubado sa mga nutritionist ang vitamin-enriched na tinapay dahil gawa ito sa kalabasa, gabi at malunggay, samantalang ang chocolate milk ay mayaman sa calcium.

Base sa mga pag-aaral, mas nakalalamang at madaling matuto sa klase ang mga nakakakain ng almusal kumpara sa mga hindi nag-aagahan.

Show comments