Umabot sa 26 na maysakit at matatandang preso ang pinalaya kahapon ni Pangulong Arroyo sa mismong Araw ng Kalayaan mata pos pagkalooban ng presidential pardon.
Ayon kay Bureau of Corrections director Oscar Calderno, ina prubahan ni Pangulong Arroyo ang pagpapalaya sa nasabing mga preso na pawang mahihina na ang pangangatawan, nagtataglay ng malalang karamdaman at may mga edad na 70-anyos pataas.
Ayon pa kay Calderon na bukod sa paggunita sa Araw ng Ka layaan ay inihahandog din umano ng pamahalaan sa mga pinalayang preso ang kanilang kalayaan sa paggunita ng “Fathers’ Day” sa Linggo.
Ang mga pinalaya ay sina Ricardo Acevedo, 70; Gonzalo Betanga, 70; Crisostomo Buccat, 73; Apolinario Cativo, 75; Melecio Dalisay, 73; Nicanor de la Cruz, 86; Alejandre de los Santos, 78; Abunido Estrada, 81; Antonio Ferolino, 70; Benigno Fetalino, 70; Efren Jabien, 70; Pavio Llagas, 70; Delfin Lopez, 70; Eugenio Oquin, 73; Leodigario Rosales Jr., 70; Luis Rosales, 77; Felipe Siao, 71; Ignacio Sinoro, 70; Alejandro Agacita, 70; Margarito Asok, 83; Irineo Banggo, 75; Ernest Calata, 72; Agustin Cruzada, 71; Teofilo Juaban, 72; Fermin Toribio, 75 at Victorio Alin lalan, 78.
Sinabi ni Calderon, 18 sa mga inmates ay mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa habang ang iba ay mula sa Davao Penal Colony.
May 50 pang preso ang naghihintay ding mabigyan ng pardon ni Pangulong Arroyo. (Rudy Andal/Rose Tamayo-Tesoro)