Para sa simbahang katoliko, walang kaugnayan sa pagpili ng panahon ng kasal ang tinatawag na June Bride.
Nilinaw kahapon ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales na kinopya lang sa kaugalian ng ibang mga bansa ang tinatawag na June Bride o pagpapakasal ng isang babae sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Rosales na wala sa panahon ang kabanalan tulad ng matri monya ng kasal. Maaari itong gawin kahit kailan tulad sa buwan ng Disyembre.
Sa ibang bansa raw kasi lalo na sa kanluran, nakaugalian ang pagpapakasal sa Hunyo dahil parang dividing time ng spring at summer. (Ludy Bermudo)