TV ads ng mga pulitiko, hindi maagang pangangampanya - Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi naman maituturing na  pangangampanya ang  mga commercial advertisement ng  mga pulitiko dahil hindi pa naman umano nakakapagsumite ang mga ito ng certificate of candidacy.

Ang paglilinaw ay gi­nawa ni  Comelec spokesman James Jimenez  ma­tapos na hilingin ni Senator Miriam Defensor-San­tiago na imbestigahan ng Comelec ang  iba pang senador na may mga commercial at nag-een­dorso ng mga produkto at upang mapalakas ang kanilang mga imahe sa publiko.

“Under the Fair Elections Act, one cannot be accused and punished of premature campaigning unless they have already filed their Certificates of Candidacy (COCs) to the Comelec,” ani Jimenez.

Nabatid na ang panu­kala ni Santiago ay ipina­dala nito kay Comelec chairman Jose Melo na imbestigahan ang “premature campaigning” na mahigpit na ipinagba­bawal sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Nakasaad naman sa  Omnibus Election Code  na ang  campaign period   ay sa loob lamang ng  45 araw  bago ang ha­ lalan maliban na lamang kung babaguhin ng Comelec.

Ilan sa mga senador na may  advertisement ay sina Richard Gordon, Pia Ca­ye­tano, Loren Legar­da, Pan­filo Lacson, Fran­cis Es­cudero, Francis Pangi­li­nan, Manuel Villar at Mar Roxas. (Doris Franche)

Show comments