Comelec Comm. Brawner patay sa heart attack

Namatay kahapon sa atake  sa  puso  si  Commission on Elections (Comelec) Commissioner Romeo Brawner, 72, ha­bang naka-confine sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

Sa pahayag ng anak ni Brawner na si Army Lt. Col. Romeo Brawner Jr., bina­wian ng buhay ang commissioner dakong alas 9:30 ng umaga matapos na atake­hin sa puso dakong alas-6 ng umaga kahapon. 

Nabatid na nagpa­check-up noong Lunes si Brawner subalit dahil na rin sa payo ng mga doctor ay minabuti na lamang na i-confine ito matapos maba­hala ang doktor sa umano’y resulta ng mga medical test nito.

Agad namang nakira­may si Pangulong Arroyo sa pagpanaw ni Brawner na tinawag niyang “man of integrity”. 

Si Brawner ay naging acting Comelec Chairman matapos ang  pagreretiro ni Commissioner Resur­rec­cion Borra hanggang ma­nungkulan bilang Comelec Chairman si Jose Melo noong Marso 25, 2008.

Dahil sa pagpanaw ni Brawner ay tatlo na ang ba­kanteng posisyon sa Comelec matapos na mag­retiro sina Borra at Comm. Florentino Tuason Jr. 

Naulila ni Brawner ang kanyang asawa na si Fe at limang anak. Ipina­nganak si Brawner noong Sept. 17, 1935  sa  So­la­no, Nueva Vizcaya. (Doris Franche/Rudy Andal)

Show comments