Labindalawang oras na walang tubig sa ilang bahagi ng Caloocan at Malabon simula alas-11 ng gabi ng Huwebes (Mayo 29, 2008) hanggang alas-11 ng umaga sa susunod na araw (Biyernes) Mayo 30.
Ayon sa Maynilad Waters, ang sanhi ng water interruption ay dahil sa gagawing interconnection ng 300-mm line sa dating 450-mm mainline sa Reparo St. malapit sa kanto ng Gladiola St., Malabon City. Samantala, 8-oras na walang tubig sa ilang bahagi Quezon City simula alas-10 ng gabi ng Huwebes, Mayo 29, hanggang alas-6 ng umaga, ng Biyernes, Mayo 30, sanhi ng pagpapalit ng nasirang 300-mm ACP watermainline sa pagitan ng Roosevelt Ave. Epifanio delos Santos Avenue at Dangay St., Quezon City.
Ang mga lugar na mawawalan ng tubig sa loob ng 12-oras ay ang Bagong Lote at kalapit na lugar nito, Gladiola St., kabuuan ng Circumferential, at Araneta University sa Caloocan City at Bgys. 140 hanggang 144 sa Malabon City. Sa kabilang banda, ang mga lugar na mawawalan ng tubig sa QC sa loob ng walong oras ay ang mga Bgys. Veterans, Bungad, Del Monte, Kati punan, San Antonio, Paltok, Paraiso, Masambong, Damayan, Mariblo, Apolonio Samson, at ilang bahagi ng Bahay Toro. Mahina naman ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa QC sa loob ng 8 oras sa bahagi ng Bgy. Sienna, Bgy. Manresa, Bgy. Balingasa at Bgy. Talayan. (Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)