Umaabot sa 1,334 barangays ang tinututukan ng PNP na posibleng maging areas of concern habang may 468 namang mga barangay ang tinutukang areas of immediate concern kaugnay ng gaganaping halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa darating na Agosto 11 ng taong ito.
Ayon kay Chief Supt. Joel Goltiao, hepe ng ARMM Police Regional Office, ang nasabing natukoy na mga hotspots ay base sa rekord ng karahasan, matinding labanan sa pulitika at presensya ng mga armadong grupo o mga rebelde sa nakalipas na halalan.
Sa kabila naman na labanan sa pulitika ang nagiging dahilan ng mga election related violent incident, sinabi ni Goltiao na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang umiiral na ang mainit na sagupaan ng partidong pulitikal sa kanilang area.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal base sa kaniyang security assessment ay hindi magiging bayolente ang idaraos na ARMM elections sa Agosto. (Joy Cantos)