Poll automation senyales ng pagbuti ng demokrasya - Gordon

Iginiit kahapon ni Sen. Richard Gordon na ang P525 milyong kontrata para sa poll automation ng ARMM election sa  Maguin­danao na nakuha ng Smart­matic ay sen­ yales ng pagbuti ng de­mokrasya.

“I am happy for the country and for our peo­ ple with this significant pro­gress in our demo­cratic life. With compu­ters in the pre­cincts, our fellow Fili­pinos in the ARMM are assured that their votes will be coun­ted and coun­ted fast pos­sib­ly within   the hour and their right to choose their leaders protected,’’ paliwa­nag pa ni Gordon, chairman ng oversight committee on Automated Election Systems.

Sa ilalim ng kontrata ng Smartmatic sa Com­ mis­sion on Elections ay ito   ang magsusuplay ng Direct Recording Elec­tronic (DRE) system   para sa August 11 ARMM   polls sa Maguindanao area habang ang 5 la­lawigan na­man ay kasa­lukuyang dini­dinig pa ng Comelec kung kanino mapupunta ang kontrata sa poll automation. (Rudy Andal)

Show comments